Fitness Background: I have been working out since I 2008. I was 350 lbs when I started out. Now, Im either 230 lbs, 220 lbs, 210. Depending on my mood to workout and diet. Gosh! I think I’m in plateau stage. Tama ba?
Favorite Crossfit WOD/Exercise (if any): None so far. Still very new. What I love is the output of each WOD. Hingal ng malala!
So tell us something interesting about yourself. Give us two truths and a lie and lets see if readers can guess which one is a lie.
Aloha! Wow! First question palang hard na. Pwede bang tagalong ang response? Kase naman, hindi ako prepared sa mga ganitong eksena.Yung mga class A members natin at mga foreigners, get na lang kayo ng interpreter.
So, anyway, I’m a General Manager by day and a proprietor by night. I handle a local BPO company that handles customer service, collections, sales and deliveries of different distribution companies in the Philippines. For my other job, I distribute imported grooming items for all breeds of cats and dogs. Taray ano? Parang sobrang busy at yaman lang ng peg pero I actually live a very simple life. I just want to be busy and let’s just say, love na love ko lang ang ginagawa ko to the maximum level.
Two truths and a lie? In random order? Charotella.
- I love ice cream- As in pagpapalit ko ang lahat para sa ice cream.
- I have six toes on my left foot- Ginagamit ko pang kiliti.
- Im 32 years old- sana marami magsabi eto yung lie.
What do you do for a living? How did you get into that?
Ay nasagot ko na ito. Pwede ba ditto ko na lang sagutin ang something interesting? Keme. Yung mga trabaho ko yun na ang interesting. Wala naman na iba. Im just a simple girl standing in front of a boy, asking him to love him back. Ganon lang ang eksena ko parati. Keri? Keri!
Why on Earth did you want to try Crossfit?!!? People say its sooooooo hard. So why are you here?
Last February 2012, I was doing my rounds sa dog show. Saying hi, hello to clients when I bumped into someone I could HARDLY recognize. He was the one who said HI to me. So dahil dati akong Ms. Congeniality winner, nag Hi ako. After ko mag Hi, napaisip ako. Napaisip akong mabuti. Looks familiar pero I can’t put my finger kung sino sya. At ako pa, alam na alam ko kung san ko nilalagay parati ang finger ko. (nako baka ma edit ang part na ito. Di naman mashado PG.)
So tinignan ko ulit, inisip ng mabuti. Ah nasa Siberian Husky siya. Intsik. Meron nunal. Sino Ito? Para akong naglalaro ng Pinoy Henyo at Pictionary sa utak ko. Until I realized, nyetabells, si CARL TAN. Wow! Ang ganda ng katawan ni kuya. Iba na siya! Para siyang may katawan na hinubog sa langit. Naloka ako.
So ayon na nga, mega ask ako sa kanya, ano na ba ang latest drug o latest diet sa mundo ng mga mayayaman. Dun ko nalaman ang crossfit. Sabi niya check ko daw sa youtube bago ko I try.
Nung napanood ako ang mga video, mas naloka ako. Can you imagine, magpapawis ka kasama ang mga nakahubad na lalaki na parang wala lang sa kanila. Dead ma lang ang approach. So try ako agad! Push!
Ang haba ng sagot ko sa unang tanong, try ko naman ang second. Naniniwala ako na ang lahat ng nahihirapan ay nagwawagi. Dead ma na ako sa trial session. Direcho Chealsea! Kabog kung kabog. 30 sets ang goal, 15 lang ata nagawa ko.Kakahiya! Alam ko kase ang mga workout before pa since nag workout na ako mga 3 years. Nakapag yoga, circuit training, TRX training at kung ano ano pang training ako pero ibang level sa crossfit! Hanggang may buhay may laban ang eksena. Patayan ito ate! Shempre nangatog ang nervous system ko nang makita kong kinakabog ako ng mga babae. I object agad ang nasa utak ko! Fight! Fight! Fight!
Has Crossfit helped with your dog grooming? Has it helped you achieve your fitness/personal/business goals? Will you make your dogs do a WOD?
In fairness, YES. I have more energy now at parang nangangati ako gumalaw galaw. Mega buy pa nga ako ng tubo for morning warm up, get rin ako ng jump rope. Mas gumaan ang approach ko sa life. Less tamad, more gawa lalo.
Nakaka 4 sessions palang ako meron na ako nadadama. Mas magaan ang feeling. Super mega tamad kase ako mag workout. I actually had a trainer sa gym, kung absent siya or naka off, wala rin ako gawa. More chika more fun lang ako sa gym. Mag eemote sa mirror ng konti tapos more more sauna na. Sorry naman. Dito sa Crossfit, More Focus More Fun ang approach. Nagulat ako literal walang mirror. Nalerkey ang utak ko. Pinagbabawal ang magpacute. Imbey!
I want to be 180 or 170 sana. I want to play vball na kase ulit. Gusto ko na rin pala mag improve yung knee ko na inoperahan ng ACL, LCL, MCL at meniscus. At gusto ko rin umimpis ng bongga para naman mas mura na ang budget ko sa damit. Haggard kaya sa gastusan sa mga damit.
Yung mga aso ko mas na appreciate ko laruain ng takbo takbo kase more energy ako sa gabi. So parang mega WOD na rin sila. Mas keri nila ang paleo diet. Hehehe.
You come to the morning class in Libis. I heard it’s a competitive morning crew. True or false? Anyone in the morning crew intimidate or inspire you?
Very much! Ayaw pakabog ng mga girls. Shempre girls muna ang peg ko kase baguhan lang ako. Naloloka ako sa mga tao don. Kay aga aga, gusto kaagad ng sapakan. Gusto nila bugbugan agad. Bawal man lang magpa cute. Bawal mag emote.
Wala naman nakakaintimidate kase for me height is might. 5’10” kase ako so kapag pumasok ako sa box, parang Ruffa lang ang approach ko. Smile. Ear to Ear lang. Nyeta! Parang hindi sync yung 2 sentence ko. From height to smile. Dead ma na. Wala na ako maisip.
Parang ayoko naman pangalanan ang mga nakaka inspire Your Honor. Basta 2 ang idol ko. Isang babae at isang lalaki. Yung pangatlo kase parang crush na yun. Hindi na basta simpleng pag idolize kaya wag na lang. May malisya na. Hahaha. Keme lang po.
We have a lot of acronyms and terms at Crossfit, but you also have your own vocabulary. Can you please explain what the following words are and use them in a sentence?
1) Kumabog – Panalo! You did your best! You were able achieve your goal
2) Shoray davah – (literally means TARAY DI BA)
3) Impis – this is me in the future. Means manipis. Thin.
Marami ka pa makukuhang mga term saken tuwing mag text ako. Hehehe. Pag dito isusulat baka gawan niyo na ako ng sarili kong website.
So fast forward to 6 months, what would you like to achieve in Crossfit?
6 months? Hmm, 170 lbs sana. Lean and toned body. Gusto ko mag beach ng malala. Gusto ko mag beah na parang wala nang bukas. Gusto ko ng hapit na hapit na mga outfit! Gusto ko yung tipong hindi na ako makahinga. Yung wala nang dadaungan ng pawis sa sikip. Ay muntik ko na malimutan, I told Carl this – I want to ride PUJ. Nako parang wala naman ata may alam niyan sa Crossfit. Gusto ko mag jeep mga ate. Gusto ko yung feeling na uupo ako sa jeep at siksikan ng todo. Tapos sakto ka sa upo at hindi ikaw ang pariringgan ng jeepney driver na upong 7.50 lang po. Hard!
Kung pwede na rin samahan ng lovelife ay pwede na rin saken. Para naman maging home maker na ako at WOD na lang ang inaatupag ko araw araw.
Anything else you’d like to say to those chicken to try Crossfit?
I believe in the saying, Daig ng Malandi ang Maganda! So push niyo lang ang sarili niyo mag Crossfit.



